Sunday, January 30, 2011

Ang Pagtakas, Part 2

Mukha nanamanang free parking area ang EDSA kaya binalikan ko nalang ang pagmamasid sa sidewalk.


“Ano ba, Batman? Pinagtitripan mo nanaman ako eh,” nasambit ko habang nagsilabasan ng mga payong ang mga tao.


Napasulyap sa ‘kin ang kunduktor. Nginitian ko lang siya. Nakalimutan kong naka-earphones nga pala ako.


Binuksan ng drayber ang wipers, mukhang may naglalabas ng matinding sama ng loob sa itaas.


Ginagamit mo kaya yung payong na binigay ko sa ‘yo?


Madalas mong idahilan na mas malaki yung payong kesa sa bag mo kapag tinatanong kita kung bakit mukha kang lumusong sa lampas taong baha. Tapos isasagot ko na ang kasya lang kasi sa bag mo ay yung make-up at cellphone mo.


Vicious cycle.


Tumingin ako sa cellphone ko – para alamin ang oras. Teka, sino bang niloloko ko? May orasan ang bus, sa ilalim ng TV. At wala talagang palusot, isang dangkal ang laki ng mga numero.


Ano bang hinihintay ko? Nasa gitna tayo ng isa pang vicious cycle: ang Rondo ng Di Pagpapansinan.


Madali ang larong ito. You pretend I don’t exist and I pretend you don’t exist. Masaya sana yung laro, pero kahit minsan kasi, di pa ako nananalo. Kulang nalang ata may maglagay ng neon sign sa ulo ko na nagsasabing, T-A-N-G-A.

No comments:

Post a Comment

I have moved! Find the new blog here.