Sabi ng kaibigan kong si Allen, uso daw ang pakikipagbalikan sa mga ex ngayon. Sa isip isip ko, “Nauuso pala ang pagpapagago.” Sabay nagpop out ang chat window ng isa ko pang kaibigan (na itatago natin sa pangalang Lareina Velasco) at nakwento nyang nakikipagbalikan sa kanya ang isang ungas na pumunit sa puso nya dalawang taon na ang nakalipas. Ang ungas in question ay naghahanap na daw ng babaeng magiging loyal sa kanya at hindi sya lolokohin. Ang nasambit ko lang ay ang mga katagang, “How can he expect to get a loyal girl when he himself is such a whore?” at ipinaliwanag ang Ber Rule.
Isinasaad sa Ber Rule na kahit kupal man ay nangangailangan ng warmth tuwing malamig, pero dahil kupal nga sila, hinahanap nila ang warmth na ito mula sa mga dating pinagkukunan (na ginago nila dati): ang mga ex nila. Awtomatikong naaactivate ang Ber Rule kapag –ber months, palakas ng palakas ang kagustuhang makipagbalikan habang palapit nang palapit ang Pasko at Bagong Taon. Ang mga madalas gamitin ay ang “I’ve Changed” card, ang “I’ve Realized You’re The Only One For Me” card, “I Shouldn’t Have Let You Go” card at ang “Ikaw Na Lang Talaga This Time, Promise, Mamatay Man Ako” card. Ang success rate ng mga ganitong banat ay depende sa katangahan (emotional vulnerability at kung gano na katagal ang katigangan) ng sinasabihan at sa galing pag-arte ng ungas (pangFAMAS Best Actor ba?), pero kadalasan, katangahan lang talaga ang pinapairal.
Isang magandang pangontra para dito ay “Kaya ka lang nya babalikan kasi nilalamig sya? Magkumot sya kamo. Or magkape sya, para kabahan naman sya sa mga pinagsasasabi nya.” Masama mang sabihin sa kahit ano mang konteksto, wala naman sigurong nangangarap maging panawid gutom. (Ikaw, kung nangangarap kang maging panawid gutom, una magkape ka para magising ka sa katotohanan, at pangalawa, eto pera, bumili ka ng Pride. Kung “masaya” ka, fine, pero pag pinaiyak ka ulit wag kang mag atubiling lumpuhin sya. Alalahanin mong 3 for 100 ang doormat, murang mura kaya hindi din sya mag aatubiling palitan ka.)
Pero kung natanga ka lang minsan (aminin nating nagyayari talaga yan kahit sa manunulat na ito) at wala kang balak magago ulit, magdiwang dahil mukhang inabutan na ng karma ang ungas mong ex. Ipraktis ang pagtawa ng Moo-hoo-ha-ha-ha dahil ito ang gagawin mo pag naghain ng Reconciliation Cake ang ex mo. (Hangga’t maaari ay durugin mo ang kanyang ego ng pinong pino at kung maaari ay kantahin and/or patugtugin ang I Told You So ni Carrie Underwood at Randy Travis. Be as smug as possible.) Tandaang maige ang kanyang reaksyon matapos mo syang tawanan sa mukha dahil ang alaalang iyon ang magagamit mong pampasaya sa susunod na abutan ka ng lungkot.
To recap: hindi mo matatakasan ang lamig ng -ber months, pero maiiwasan mong maging tanga (this includes whining about how you’re trying not to call him and shit). It’s just the weather. Sa simpleng pananalita, sa tingin mo ba magandang pundasyon ng relasyon ang lamig (or init, for that matter)?
I rest my case.
No comments:
Post a Comment