Now, bands like
the Beatles and the Eraserheads have such extensive discographies that they
have a song for every possible thing that could happen to you. Sugarfree, I’ve
realized recently, seem to have condensed a boy-meets-girl-and-disaster-happens
story in four albums. To check this theory, I listened to their songs and have made
myself inadvertently miserable for the last four days. I can’t help it. It
doesn’t matter if I’m not single, it doesn’t matter if I’m perfectly happy, and
it doesn’t matter if I’m emotionally stable (I am, really, at least some of the
time). It doesn’t matter. Sugarfree has collected all of your heartbreaks and
distilled the mix into a misery concentrate.
This misery
concentrate contains every heartrending experience you’ve ever had, from that
time your crush called you dude to the night you once considered the end of the
universe.
Part 1 – Hamsolonely, Ligawan, at General Landian Phase
Kailan Ka Ba –
Sino? Nasan? Kailan ka ba, darating at ako ay sagipin sa mundong malupit, at
naiinip. Sino? Nasan? Kailan ka ba?
Remember what
everybody tells you? Yung, “Darating din yan.” Syempre gusto mo silang sakalin
pag naririnig mo yan. Asan ba naman kasi? ASAN?
Kwentuhan –
Kwentuhan lang, wala namang masama. Usap lang, ibaon mo na sa limot ang
lungkot.
Uuuy. Dito
madalas nag-uumpisa ang lahat. They seem relatively harmless, those talks about
nothing and everything that go into the night and extend into the early morning.
Exercise caution though, since this can branch out into the dreaded Friend
Zone. That’s like the Twilight Zone, except for some people it’s much, much
worse.
Telepono – Natatandaan
mo ba kagabi, apat na oras tayong nagbabad sa telepono. Inabutan na tayo ng
umaga no'n, ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla. Magdamag na sa tabi mo, wala
man lang "hello."
Angyare, ate?
Kuya? Tinamaan ka lang ba ng katorpehan? Hingang malalim, in out. Ayan, okay
na?
Feels Like –
Just when I’ve given up on this game they call love, oh something about it
tells me, life will never be the same again.
Ohohoho. Ayan
na nga. Nahulog ka na sa patibong! Sarap ng kilig no?
Hari ng
Sablay – Ako ang hari ng sablay, ako ang hari ng sablay.
Babala: Nakakatanga
talaga ang pag-ibig. Wag na tayong maglokohan. Okay lang yan.
Prom – Ito nang
gabing di malilimutan, dahan-dahan tayong nagtinginan. Parang atin ang gabi,
para bang wala tayong katabi, at tayo’y sumayaw, na para bang di na tayo
bibitaw.
Ayan na ang
mga simtomas: malalagkit na mga tingin at pang-oOP sa lahat ng kasama nyo.
Ikaw Pala –
Ikaw pala, ang aking hinahanap-hanap.
Andyan ka
lang pala, bakit di ka nagsasalita? Kanina ka pa? San ka galing?
Part 2 – Sorry na nga kasi. Sige na. Please? Putangina
naman Bash, ganyan ka ba katigas? (also, the Catastrophic Failure, the
Relationship Collapsing Upon Itself, and Wawa Semplang Phase)
Heto Na Naman
Tayo – Heto na naman tayo. Ano ang ating gagawin, pag sinabi na ng damdamin, di
sapat ang pag-ibig? Upang buhayin at paikutin ang ating mundo. Ilang sugat pa
bago sumuko? Ilan pa ba bago tayo gumuho.
Araykupo
jusko. Ansakeeet. Here’s when you realize that somebody needs to go fucking invent
a pain pill for heartbreak.
Martir – At kahit
na ilang ulit mo pa akong saktan, basta’t sa susunod di mo na ako iiwan.
This is
usually ill-advised, but if you can’t help it, why not? “Balikan mo lang ako di
na ako magyoyosi/iinom/maliligo! Gagawin ko kahit anong gusto mo! Sige na.” :(
Limbo – Nasan
na ang umaga, matagal na akong naghihintay wala pa siya. Di kaya na traffic o
nasiraan, baka naman, nalimutan na niya.
Ay, eto
madalas mas mahirap kesa sa Friend Zone. In Limbo, you don’t know what your
status is exactly. And no, you can’t ask for an update.
Tummy Ache – And
every time we come together, we watch and we discover that we can't be
together.
Ayun. Deads.
You’re two parallel lines that extend on the same plane, but never meet.
Wala – Wala
nang Lotlot sa iyong Monching. Wala nang Romnick sa aking Sheryl. Wala nang
Gabby sa ating Shawie. Wala nang love sa ating team. Oh, meron pa ba?
Anong gagawin
mo kung wala nang love ang inyong team?
Pagkatapos ng
Lahat – San na napunta, san na napunta? San na napunta, san na napunta? Ibalik ang
kahapon, ibalik ang kahapon, ibalik ang kahapon, bago maging huli ang lahat.
So san nga ba
napunta? Magandang tanong yan actually.
Huling Gabi –
Kapansin-pansin ang iyong ganda ngayong gabi at ang lungkot sa iyong mga ngiti.
Ang kisplap sa iyong mga mata’y wala na, kita sa ‘yong tinging nagsasabing, “Tapos
na ang lahat sa atin.”
*Sniff, sniff*
Engeng tisyu, pesteng Sugarfree to.
Unang Araw – Wag
mo akong sisihin, kung minsan ako'y iyakin, ito ang unang araw na wala ka na.
Ito ang unang araw na wala ka na. Nasanay lang sigurong nand'yan ka, di ko
inakalang pwede kang mawala. Yan na nga.
Eto na. Ito
ang madalas kong tinatawag na “Next Day, Wasak.”
Dramachine - Ayaw
na nyang bumangon sa kama lang maghapon, mukha nya'y parang langit na malapit
ng umambon. Ayaw na nyang manalig sa tunay na pag-ibig, bakit daw ba kay bilis
mawala ng kilig.
If we were
discussing the stages of grief, this would fall under Depression.
Insomya – Nananabik,
na muling dalawin ng antok. Nananabik, na muling tawagin ng hilik. Di ko alam
kung ba’t ako, nagkaganito, di ko alam kung ba’t ako, nagkaganito.
Remember that
time? Yung di ka makatulog sa kilig, daig mo pa ang call center agent sa
pagpupuyat? Well, ngayon lungkot naman ang ayaw magpatulog sa ‘yo.
Hang Over – Mahirap
bumangon, anong nangyari kahapon, pano umabot dito, kumikirot ang ulo at puso.
So uminom ka,
pampatulog lang naman, di naman madami.
Get Over It –
Sleeping in her clothes won’t bring her back, erase the past. I tell you, this
one’s real.
Ayan na,
nag-iintervention na ang mga kaibigan mo. Wag kang magagalit, nag-aalala lang
sila sa pagche-chainsmoke at pag-inom mo araw-araw. Naghihinagpis na ang atay
at balunbalunan mo, baka magstrike sila’t maubusan ka na ng lamang-loob. Plus,
hindi masayang magbasa ng emo status messages mo sa Facebook.
Part 3 – “Sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit”
Phase
Kung Ayaw Mo
Na Sakin – Kung ayaw mo na ako, leche, lalong ayoko sa ‘yo. Alam mo naman kung
saan ang bahay ko, baka sakaling magbago ang isip mo please.
Ayaw mo na ba
talaga? As in talagang talagang talaga? Andito pa yung jacket mo sa kwarto ko,
di mo ba kukunin? Hello?
Patawad – Ako’y
patawarin, di sinasadya, na ikaw’y mapaluha.
Sorry na
please, I’ll do anything balikan mo lang ako. Pasensya ka na may pagkatanga
lang talaga ako paminsan-minsan. :’(
Wag Ka Nang
Umiyak – Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka
sa akin, kapit ka sa akin. Di kita bibitawan.
Tulog Na - Tulog
na mahal ko, nandito lang akong bahala sa iyo. Sige na tulog na muna.
Sinta – Pano
kung ligaya ko'y bigla na lang mawala? At sabi mo malayo pang bukas, tapos na
ang kahapon. Ang mahalaga'y ngayon, nandito ka ngayon.
Wala Nang
Hihilingin – Kung gabi matulog ka sa 'king tabi, di mo lang alam, dala mo’y
ligaya. Kung marinig mo ang tibok ng aking puso, sinasabing habang ika’y
kapiling, wala na akong hihilingin.
And that’s
that. Sometimes it’s a happy ending. Sometimes, it’s not. Either way, di bagay
sayo ang emo. Happy Valentine’s Day.
No comments:
Post a Comment