Wednesday, May 6, 2009

Adventures of the Pechay Rangers

Some people think that writing comes easily to writers; let me tell you: NO IT FUCKING DOESN'T. There are times when I fervently pray that inspiration will come if I start bashing my head on my desk. Seriously, sometimes, the muse packs up, leaves me in the middle of something, and takes a goddamned vacation.

Anyway, in an attempt to get out of this blasted vat of molasses, I have endeavored to write something completely.... hmm... completely... For a lack of a better term, I'll use stupid for now. XD

I was joking around with a couple of guildmates and the jokes turned into something interesting, the Pechay Rangers. It might turn out as a webcomic soon (as one of my guildmates is an amazing artist from GlassHouse Graphics), so this might mutate into something serious (not) then.

I'm writing the background story here, because a.) my phone's inbox is full, b.) it's for posterity's sake, and c.) it's for my memory's sake.

Character descriptions and semi-done histories by jujuy and me:

PJ a.k.a. Tutu - Ang Commander in Chief ng Pechay Rangers, siya ang naatasang bumuo ng isang team ng mga pechay ng Pechay Corporation para sugpuin ang salot na si Beerdy Lay Ar. Model sya at trinain bilang crossdresser para makapanggoyo ng mga kalaban at makaharbat ng potential rangers.

Bilog a.k.a. Pechay Red1 - Alilang kanin at utusan ng nanay nya, nangangarap si Bilog na makatakas sa pagiging utusan. Isang araw, nautusan sya ng nanay nya na bumili ng toyo sa palengke. Pabalik na si Bilog galing palengke nang nagkaroon ng kaguluhan. May lalake (na napagkamalang babae) na pinagtatangkaang halayin ng isang mamang lasheng. Nailigtas ni Bilog ang babae mula sa manyak. Pinangakuan sya ni Tutu na di na sya magiging utusan pag naging superhero sya.

James a.k.a. Pechay Green2 - Hippopotamus na ubod ng babaero, chicks dito, chicks doon. Basted nga lang palagi. One day, gumimik sya kasama ang barkada nya at natipuhan si Tutu habang nakadisguise ito. Pumayag syang maging Pechay Green2 dahil sinabi ni Tutu na lapitin ng babae ng mga superhero.

Tektek a.k.a. Pechay Blue3 - Rich kid at tambay sa basketball court. Isang araw, nanood sya ng isang laro sa liga (hindi yung laro ang pinapanood nya kundi yung mga muse) nang biglang lumipad ang bola papunta sa kanya. Umilag sya't tinamaan ang nakaupo sa likod nya na si Tutu. Hinimatay si Tutu at dahil medyo naguilty at nakatingin yung mga muse sa kanya, nagmagandang loob si Tek na dalhin si Tutu sa hospital. Pumayag maging Pechay Blue3 dahil magandang adventure daw yun.

Chie a.k.a. Pechay Yellow4 - Isa pang rich kid na adik sa airsoft. Sumali si Chie sa isang airsoft competition ng mabalitaang 10k ang premyo nito. Ginanap ang nasabing competition sa isang gubat at nagkamaling nabaril ni Chie si Tutu habang nagnanature hike ito. Tinulungan ni Chie si Tutu at pumayag maging Pechay Yellow4 dahil gusto nyang maging superhero.

Roey a.k.a. Pechay Pink5 - Sa isang training session ng mga Pechay Ranger, naaksidente at nalunod sa inidoro ang naunang Penk5. Dahil sa pangyayaring yun, napilitan si Tutu na maghanap ng bagong recruit. Habang nagbibisikleta papunta sa Pechay Headquarters, nahumps si Tutu at nagulat sya ng umaray ang nasabing humps. May isang lasinggero pala na nakatulog sa daan. Dinala ni Tutu ang lasheng sa PHQ nang biglang may lumitaw na kampon ni Beerdy Lay Ar. Dahil di mabubuo ang Pechay robot ng kulang ng isang Pechay, sinuot nalang ni Tutu ang Penk5 costume sa lasheng at tinulak ito sa laban. Nagising nalang si Roey na nakaPenk5 costume (complete with skirt) dahil tinamaan sya ng flying kick sa mukha nyang matigas.

Beerdy Lay Ar - Isang alien na nangangarap sakupin ang mundo sa pamamagitan ng kanyang matinding hangin. Isang malaking ulo na nakadikit sa pader, pero partida, may abs sya.

Pechay Corporation - Isang sikretong korporasyon na nagfufund ng Pechay Rangers dahil ayaw nilang maging farm slaves ni Beerdy Lay Ar.

3 comments:

  1. Bravo nice rio!! hands down =)

    sisikat na sina bilog and company. XD

    ReplyDelete
  2. mamamatay ako kakatawa sa pagsusulat nito tutu, i swear. XD

    ReplyDelete
  3. na imagine ku nga eh! ahaha!!
    natatawa ako sa part ni beerdy lay ar. partida pa may abs ahahaha!!!

    ReplyDelete

I have moved! Find the new blog here.