Nagpagupit ako nung isang araw. Dapat nung isang linggo pa ko magpapagupit pero dahil sa drama sa opisina, nagcancel ako sa nanay ko at nagkumahog pabalik ng opisina. Wala rin namang nagawa ang pag punta ko na yun, pero at least nakita ko sila Bam at Ahorney sa huling araw nila dun.
Nung nakaraang taon, sobrang humaba yung buhok ko dahil sobrang busy (at tamad) ko para pumunta sa pagupitan, in short, yung dalawang beses sa isang taon na nagpapagupit kami ng nanay ko ay parehong nakansela last year.
Yun na nga, dun kami nagkita sa pagupitan (sa mga taga-Las PiƱas, yung F Salon sa Moonwalk) at mabuti naman at nandun padin si Ate Rose. Ibig sabihin nun, hindi ko kailangang manapak in case shit happened. Take note, si Ate Rose ang naggugupit sakin mula nung magbukas ang pagupitan na yun (at medyo nahihirapan na kasi ang nanay ko na gupitan ako).
Unang kita palang nya sakin, sabi na agad ni Ate Rose , "Ang haba na nyang buhok mo ah."
Umupo na agad ako sa pwesto nya at baka maunahan pa ako. Nilagyan ng balabal, nilagyan ng sangkaterbang clips ang buhok ko (usually, isa lang talaga ang ginagamit para sa unang pag-clip pero masyadong makapal ang buhok ko), binasa ng spray at sinimulang gupitin. At syempre, nakipagkwentuhan si Ate. "Ilang taon na ba tayo hindi nagkita?"
Ang sagot ko: Isa po ata. Busy po kasi sa trabaho (RIIIIGHT). Tapos narealize ko na buhok ko ata yung kausap nya. Tapos nun, tumigil sya sandali (para magpahinga siguro) at tinanong ako, "Bakit kumulot nanaman yung nasa likod? Palagi mo nanaman iniipit no?" Para kay Ate, kasalanang mortal ata ang pag ipit ng buhok ko dahil ayun, tumitikwas nga. Pagkatapos nun, madami pang tanong tulad ng "Di ka talaga nagkakasplit ends o dandruff no?"
Hinarap nya ako sa salamin at sinabi na pwede ko daw tignan yung progress. Ngumiti lang ako sa salamin. Natawa si Ate Rose. "Hindi mo nga pala nakikita. Mommy, yung salamin daw po." Take note, siya lang ang nakakatawag sa nanay ko ng "Mommy."
Tapos, balik sa laban. Nakipag-away, nakiusap, at nagsumamo si Ate Rose. Sa madaling salita: "Doctor, the operation was a success." Pagkatapos ng halos dalawang oras ng gupitan (nag-umpisa kami ng 4:50 at natapos ng 6:30), tapos na. Voila! Bagong hair. I'm back to "gwapo mode" sabi ni Ayee, at oo, namiss ko ang maiksing buhok.
Hindi ako depressed. Sa katunayan, medyo masaya nga. Imagine: Makakalabas ka na sa concentration camp (for real). Alam mong mapupunta ka rin sa pabrika ni Schindler at malamang dun ka na mamamatay, pero masaya parin kasi lalaya ka na.
Ganung klase ng saya.
Wag ka sinasabi din yan ng nag-gugupit sakin, hehehe3.
ReplyDeleteTama yan, dapat walang kinalaman ang buhok sa depression. :)
ay shet. ako minsan pag depressed nagkukulay ng buhok. Kaya nga of pubes quality na ang buhok ko eh. Dry amputa.
ReplyDeletepucha, naalala ko nanaman yung pubes question mo kagabi.
ReplyDeletemay secret code siguro sila..
ReplyDeleteActually, I don't practice what I preach. Pag malungkot ako nagpapagupit ako - or nanggugupit ako ng buhok, hehehehe3
ReplyDeleteOo nga, baka may secret society sila.
ReplyDeletemas nakakatakot yung nanggugupit ka!
ReplyDelete"Alam mong mapupunta ka rin sa pabrika ni Schindler at malamang dun ka na mamamatay, pero masaya parin kasi lalaya ka na."
ReplyDeleteHAPPINESS!!! At, at, ako na gugupit sa hair mo. I know how to. Promise!
scawy!
ReplyDeleteuyyy... rica and chochi... hahahaha XD
ReplyDeleteretard
ReplyDeleteTrue.
ReplyDeletebwahahahahahaha!
ReplyDeleterica and chochi: you say that now..... but tingnan natin pag nahanginan ang buhok ng isa sa inyo... ayayay. baka may biglaan kayong marealize. xD
ReplyDeletelol, kinuwento ni chochi! tigang ka lang ata, jex =P
ReplyDeletebwahahahahaha...yan lang ang masasabi ko. isa pang bwahahahahaha :d
ReplyDeletetrue. ahahahay. pero teka, di ko gets connection ng pagka-tigang ko sa namumuong pag-iibigan ninyo ni chochi..... =p
ReplyDeleteNagpo-project ka lang =P
ReplyDelete