Friday, April 4, 2008

alamat

minsan talaga, hindi mo alam kung maaasar ka kay batman, sa ibang tao, o sa sarili mo. minsan kasi, meron talagang mga bagay na wala kang control at dahil wala kang control, di mo alam kung ano at sino ang sisisihin.

isa na akong alamat. sabi nya kasi dati, magiging alamat ako pag naging masamang panaginip nalang siya. ewan. biglang pumasok sa isip ko yung surreal na nightmare. Yung tipong binabangungot ka, tapos nagising ka. di mo lang alam, nasa bangungot ka parin. bagong bangungot siguro, pero bangungot parin. parang washing machine lang siguro talaga ang buhay: wash, drain, rinse, wash, drain, rinse, drain, spin. vicious cycle.

mainit. masarap maligo pag hapon kung kelan walang tigil ang pagtagaktak ng pawis mo. ang problema, katatapos mo lang maligo, pinagpapawisan ka na ulit.

but you have to admit, it felt good, even if it was just for a little while.

No comments:

Post a Comment

I have moved! Find the new blog here.